eK! is electronic Kabalen, a web-exclusive Kapampangan journal of ideas

cecile s. yumul
cecile s yumul Higit kanino mang nilalang nabubuhay sa mundo
Wala nang mas malapit sa kadakilaan at kabayanihan
Sa mga tinanghal na at maging kay HesuKristo
Mga nakatay walang laban na Punong kahoy.
Ni minsan ay hindi nagprotesta o nagsisigaw:
Sa bawat hataw ng palakol, sa bawat hiwa at putol
Sa katawa’y, gamit matatalim, pangil ng lagare
Tahimik, pipi, at walang habas, dagtang tumatagos
Sa dulo ng mga kinalbong sanga, binalat na katawan
Luhang agos para sa taong kumikitil sa kanyang buhay
Alay pa rin, panghilom ng sakit at sugat.
dagtang luha, dahong lilim, bungang pagkain at gamot
Ugat na pangkapit at patubig sa lupang tigang
Katawang sari-sari ang gamit sa Tao, Industriya, Bayan
Higit pa riyan, higit pa sa buhay na kinitil ang handog
Silang karapatdapat tanghaling mga Puno ng Bayan .


[About the author. Cecile Santos Yumul is a veteran award winning Broadcast Journalist, a visionary teacher (Most Outstanding Teacher of the Philipines in 1992), a nationalist (Most Outstanding Kapampangan for Education in 1993), an environmentalist, and a dedicated daughter. She has over 35 years experience in the field of arts as an actor, director, and author. She is a published writer (Woman's Magazine) of essays, poems, short stories, and social commentaries. She currently resides in Lakandula, Mabalacat, Pampanga with her Mother, 18 dogs, doves, and bonsais.]

-Posted: 9:29 PM 7/21/09 | More of this author on eK!
Nextnext