abel d. soto
ANG DIGMAAN NG ISANG ARTISTANG MANGINGIBIG
Nais kong mabuhay ng may pagkakakilanlan.
Subalit palagi ko na lamang natatagpuan ang aking sarili sa kalumaan.
Mga lumang inaasahan, mga lumang pangako,
mga lumang mascara, mga lumang relasyon,
Metikulosong hinabi ako ng lahat ng mga ito.
Ipinagpalit ko sa iba ang aking sarili sa inaasahan ng pamilihang panlipunan,
Dahan-dahang itinatali ko ang aking sarili
sa ekonomiya nitong kawalan ng pagkakakilanlan.

Ipinagpalit ko ang ilang bahagi ng aking sarili
para sa pansamantalang kapayapaan at kaligtasan,
Ang mga suhol ay ninanakawan ang aking saysay ng gulo at pagkakasala.

Sa huli'y iisang kusing ang natira sa akin.
Ang kaibuturan ng aking katauhan.
Ang malikhain kong sarili.

Ang aking sarili na namumuhay ng hubad at walang-sala,
Hinahangaan ang mga wika at tayutay ng mga idolo.
Ang sarili na musmos pa at marupok,
Malayang naglalakad nang walang saplot na kahit anong pangalan,
Humahalakhak sa mga burol at ngumunguyngoy sa mga kasalan,
Sinasagasaan ang basurang kayabangan
at umuugnay sa mga kaluluwang nais mapabilang.

Itinago ko siya nang matagal,
Nahihiya ako, hindi ako tiyak ang tungkol sa kaniya.
Ngayo'y lumaki na siya at nais ng lumaya,
Lumaya mula sa aking kalooban.

Pinilas ko ang mga saplot ng kumbensiyon at ang mukha ng ka-angkopan,
Sinunog ang lahat ng mga uri at mga bandila ng lahat ng masa,
Kinutya at pinagtawanan ang lahat ng mahahalagang layunin.

Tumitibok siya sa aking puso at dumadaloy sa aking mga ugat,
Nagbabadyang sumabog.
Subalit nararamdaman ko ang mga lubid kung saan ako nakagapos.
Sa pamilihan ng mga inaasahan ng panlipunang pamilihan,
Tinatawag nila itong panlipunang kaayusan.

Masakit ang pagpapalaya,
Ang mga lubid ay nakabuhol sa pagitan ng aking tadyang.
Ginagambala ng pagpapakawala ang sistema,
Ang iba’y hinihila akong manatili bilang ako.
Ganito nalilikha at napananatili ang mga kultura.
Ganito nananatili ang mga ritwal, rito, at mga gampanin.
Ganito tayo nagiging bilanggo ng ating sariling kaisipan.

Kailangan kong batahin itong sakit
bilang huling kabayaran sa aking pagka-alipin.
Iiwan ko ang aking mga saplot dito,
Maglalakad ng hubad... pabalik... pauwi.

Dito sa ekonomiya ng marangyang pagkakakilanlan,
Pipiliin kong matalo.
—Posted: 6:30 PM 11/14/2014 by eK! | Post Your Comment!



About the author. Abel D. Soto took up his certificatory double major course in Creative Writing and Performing Arts at Centre for Arts Foundation, Inc. in Quezon City. He also finished the Managing the Arts Program at the Asian Institute of Management in Makati City. He is a resident of Bacolor, Pampanga.
eK! is electronic Kabalen (http://eksite.com), a pampanga-based web-exclusive Kapampangan journal of ideas.Websilog - an open collaborative blog on kapampangan life and letters. about pampanga culture, arts, history, society, and politics.
Keni@Ngeni - your daily kapampangan media mashup: breaking news & reviews from pampanga, angeles city, central luzon, the kapampangan region, philippines & the world.
Versilog - new Kapampangan poetry.
Blogganisa - your kapampangan community blog slash guestbook slash bulletin board slash shoutbox slash forum slash post-it-note all rolled up into one meaty joint.
IndioTV - a kapampangan indie web tv.
Tiangge - shop kapampangan. support eK! by shopping from our amazon affiliate store.
Palengke - the kapampangan business and professional registry.
eKalendaryo - kapampangan events calendar.
eK! wiki - all about pampanga, philippines. profile and brief history of pampanga towns and cities: angeles city, clark, city of san fernando
eK! sponsors & partners - with passion and dedication, eK! sponsors, partners & friends support us and we encourage you to support them.