abel d. soto
PAG-UUSIG
Paano nga ba naisasaling-wika
Ang panaghoy ng puso na dulot ng pait
Ng kabiguan sa pag-ibig, na pilit
Na binibigkas ito ng mga luha?

May sasapat kayang mga angkop na salita
Upang maikubli ang sakit na umiigpaw
Sa hindi magpatahimik na mga alingawngaw
Ng ngumunguyngoy na nagluluksang diwa?

Saan makahahanap ng kanlungan ang hinagpis
Kung pati ang hangin ay nabingi na rin
Sa mga alulong ng mga nabaliw na hangarin,
Kagagawan ng pag-ibig na nabalot ng hapis?

Saan nga ba uuwi ang naulilang kamalayan
Kung ang bawat espasyo at hungkag na puwang
Ay tahanan na rin ng mga pusong mangmang
Kasama ng mga gunita na balabal ng isipan?

Masusumpong ba sa katotohanan ang puso
Kung pilit itong nililinlang ng isipan,
Sa tuwing ito'y humahalihaw ng katuwiran
Kung bakit mailap ang pag-ibig na buo?

Hanggang kailan papalahaw ang mga tanong?
Ilang panahon ang kailangang kalimutan?
Ilang karanasan ang kailangang damitan
Upang maitago lamang ang tunay na tanong:

Makalalaya pa nga ba ang tunay na inuusig
Sa nanunudlang pag-uusig ng dalumat at unawa,
Kapag nagsa-isang tinig ang wika at dalita,
Na sa iyo'y uusig dahil sa kinitil mong pag-ibig?
WHAT DID MATTER
It was
not as
if she did
not as
she used
to do when
I got
no doubt
that she would
not as
if it
did matter at
all to
me and
her to see
not as
I see
or yet as
she would
want me
to. Never...

Did she
and I were
WE.
—Posted: 8:52 AM 7/11/2014 by eK! | Post Your Comment!



About the author. Abel D. Soto took up his certificatory double major course in Creative Writing and Performing Arts at Centre for Arts Foundation, Inc. in Quezon City. He also finished the Managing the Arts Program at the Asian Institute of Management in Makati City. He is a resident of Bacolor, Pampanga.
eK! is electronic Kabalen (http://eksite.com), a pampanga-based web-exclusive Kapampangan journal of ideas.Websilog - an open collaborative blog on kapampangan life and letters. about pampanga culture, arts, history, society, and politics.
Keni@Ngeni - your daily kapampangan media mashup: breaking news & reviews from pampanga, angeles city, central luzon, the kapampangan region, philippines & the world.
Versilog - new Kapampangan poetry.
Blogganisa - your kapampangan community blog slash guestbook slash bulletin board slash shoutbox slash forum slash post-it-note all rolled up into one meaty joint.
IndioTV - a kapampangan indie web tv.
Tiangge - shop kapampangan. support eK! by shopping from our amazon affiliate store.
Palengke - the kapampangan business and professional registry.
eKalendaryo - kapampangan events calendar.
eK! wiki - all about pampanga, philippines. profile and brief history of pampanga towns and cities: angeles city, clark, city of san fernando
eK! sponsors & partners - with passion and dedication, eK! sponsors, partners & friends support us and we encourage you to support them.