marcial t. caniones
WALA
BLESSEDNESS IN NOTHING
Ang kawalan ang lahat ng simula
Katahimikan ang siyang daluyan ng ungol, tinig at tunog
Dilim ang siyang tagusan ng silaw at ng liwanag
Nipis ng pagitan ang sisiksikan ng tinga, lapot at kupal
Luwang ang siyang pagitan ng gadambuhala at laksang kalawakan
Lalim ang hulog ng bigat, bugtong at nalamo'ng bayag
Tayog ang hingal ng hininga, habol at lula

Hindi ka pipi– mas gusto mu lang manahimik
Lalong hindi ka manhid– mas gusto mo lang magmasid
Kasi hindi ka rin bulag– mas gusto mo lang mangarap
At hindi ka rin tamad– mas madali ka lang makuntento

Ayaw dumama
Para walang galit
Walang inggit,
Lungkot,
Saya,
Takot...

Ayaw magkaroon
Para walang angkin
Walang kawalan,
Ganid,
Labis,
Kulang...

Ang luwang tila wala
Ngunit lahat nandoon

Isang kang luwang
Walang labis
Walang kulang
Lahat na ay nandiyan

Human
yet
Perfect
yet
Being
—Posted: 7:00 PM 6/10/15 by eK! | Post Your Comment!



About the author. Marcial Tayag Caniones, a Political Science graduate, is assistant manager at the Community Extension Services Office of Clark Development Corporation. He was born on the 10th of July in 1965, became vegetarian when he was 24 years old, started serious reading when he was 32, and began writing at 39. He admits to being ugly but claims to ooze with sex appeal.
eK! is electronic Kabalen (http://eksite.com), a pampanga-based web-exclusive Kapampangan journal of ideas.Websilog - an open collaborative blog on kapampangan life and letters. about pampanga culture, arts, history, society, and politics.
Keni@Ngeni - your daily kapampangan media mashup: breaking news & reviews from pampanga, angeles city, central luzon, the kapampangan region, philippines & the world.
Versilog - new Kapampangan poetry.
Blogganisa - your kapampangan community blog slash guestbook slash bulletin board slash shoutbox slash forum slash post-it-note all rolled up into one meaty joint.
IndioTV - a kapampangan indie web tv.
Tiangge - shop kapampangan. support eK! by shopping from our amazon affiliate store.
Palengke - the kapampangan business and professional registry.
eKalendaryo - kapampangan events calendar.
eK! wiki - all about pampanga, philippines. profile and brief history of pampanga towns and cities: angeles city, clark, city of san fernando
eK! sponsors & partners - with passion and dedication, eK! sponsors, partners & friends support us and we encourage you to support them.