marcial t. caniones
UNDAS BLUES UNIVERSAL

Alay sa lahat ng minamahal natin sa buhay na pumanaw...

I. HOLDING ON
Ano ba ang kaugnayan sa kamatayan?
Ng anak
Ng asawa
Ng kaibigan
Ng magulang
Ng kapatid

Minsan nga

Namumuong sanggol pa lang sa sinapupunan ni hindi pa sinisilang
II. ANALYSIS PARALYSIS
Ano ba ang dahilan ng kamatayan?
Sa sakit
Sa gutom
Sa bunggo
Sa sagasa
Sa puso

Mayroon nga
Buong pamilya tulog pumasok ang truck sa tahanan
III. DENIAL
Bakit nga ba may kamatayan?
Sabi ng Biblya...
Sabi ng Koran...
Sabi ng Torah...
Sabi ng Gita...
Sabi ng Idolohiya...
Dati nga
May klasmate ako nadapa dahil daw tinulak siya ni Satan
IV. HOPE IN THE AFTERLIFE
Saan pupunta kung mamatay?
Baka sa langit
Baka sa impyerno
Baka sa purgatoryo
Baka sa abo
Baka ma-reincarnate

Doon sa Maynila
May tatlong bangkay sa ilog, pa lutang-lutang
V. COMPLEXITY
May kusa bang gustong mamatay?
Dahil sa syota
Dahil sa magulang
Dahil sa utang
Dahil sa sugal
Dahil sa paninindigan

Nung hayskul ako
Uminom ng Baygon ang klasmeyt ko, hanggang ngayon buhay
VI. ON THE VERGE OF ACCEPTANCE
Iba-iba ba ang kamatayan?
May sa rambulan
May sa korsunadahan
May sa holdapan
May sa inuman
May sa kabundukan

Tayong lahat
May minamahal sa mundo na pumanaw
VII. SIPPING REALITY
Ano ba ang pakiramdam ng namatayan?
Masakit
Magastos
Malungkot
Makapanghihina
Mabigat

Dahil sa mga kaibigan
Pakiramdam ay gumagaan lungot na pasan, may hahagkan
VIII. GIVING IN
Kamatayan nga naman walang pinipili
Na gulang
Na hirap o yaman
Na kasarian
Na paraan
Kung kailan

Ang kamatayan ay bahagi na ng pagsilang....
—Posted: 6:56 AM 12/19/11 by eK! | Post Your Comment!



About the author. Marcial Tayag Caniones, a Political Science graduate, is assistant manager at the Community Extension Services Office of Clark Development Corporation. He was born on the 10th of July in 1965, became vegetarian when he was 24 years old, started serious reading when he was 32, and began writing at 39. He admits to being ugly but claims to ooze with sex appeal.
eK! is electronic Kabalen (http://eksite.com), a pampanga-based web-exclusive Kapampangan journal of ideas.Websilog - an open collaborative blog on kapampangan life and letters. about pampanga culture, arts, history, society, and politics.
Keni@Ngeni - your daily kapampangan media mashup: breaking news & reviews from pampanga, angeles city, central luzon, the kapampangan region, philippines & the world.
Versilog - new Kapampangan poetry.
Blogganisa - your kapampangan community blog slash guestbook slash bulletin board slash shoutbox slash forum slash post-it-note all rolled up into one meaty joint.
IndioTV - a kapampangan indie web tv.
Tiangge - shop kapampangan. support eK! by shopping from our amazon affiliate store.
Palengke - the kapampangan business and professional registry.
eKalendaryo - kapampangan events calendar.
eK! wiki - all about pampanga, philippines. profile and brief history of pampanga towns and cities: angeles city, clark, city of san fernando
eK! sponsors & partners - with passion and dedication, eK! sponsors, partners & friends support us and we encourage you to support them.