marcial t. caniones
SALAMIN
Kinalabit n'ya ako
Habang nakatunganga akong nakaupo
Ang baho n'ya at kay dungis
Nandiri ako at umiwas
Baka kasi ang puting polo
Sa dumi ay mapunas
Kagabi 'yon,
Habang tangan ko ang boteng Red Horse
Sa lamig mamawis-mawis

"Dikis tu rite en a wanor sopen sey, hey . . . !"

Pahiya at patakot na awit nung bata
'Di ko malagok ang beer
Para kasing sinampal ako ng lamig ng hangin
Na dumaan sa malansang katawan ng batang nagkakaroling
Halatang kakakain lang n'ya ng paksiw
Tumalikod ako upang di ko s'ya mapansin

"Sopas da boys op an angel . . ."

Sa isip ko,
Napatanong ako
Nasan ang iresponsableng mga magulang ng batang ito?
Alas dos na ng madaling araw
Nasa kalsada pa't gamagalawgaw
Linagok ko ang beer
Dumukot ako ng lima sa aking bulsa
Inabot sa kanya
Sa puyat namumula ang kanyang mata
Tinanung ko kung ilang taon na s'ya
"Sampo po," a n'ya
Pagkatapos, patakbong lumisan na
Naisip ko ang pangalawa kong anak
Tulad n'ya sampung taon na
Pareho sila
Bigla akong nahiya,
Naisip ko
Alas dos na
Madaling araw na
Ang ama ng anak ko
Nasa kalsada pa
Tangan ang beer
Nagsasaya
Wala pala kaming pinag-iba . . .
Nung ama
Nung batang
Naglimos kanina
—Posted: 7:30 AM 12/16/10 by eK! | Post Your Comment!



About the author. Marcial Tayag Caniones, a Political Science graduate, is assistant manager at the Community Extension Services Office of Clark Development Corporation. He was born on the 10th of July in 1965, became vegetarian when he was 24 years old, started serious reading when he was 32, and began writing at 39. He admits to being ugly but claims to ooze with sex appeal.
eK! is electronic Kabalen (http://eksite.com), a pampanga-based web-exclusive Kapampangan journal of ideas.Websilog - an open collaborative blog on kapampangan life and letters. about pampanga culture, arts, history, society, and politics.
Keni@Ngeni - your daily kapampangan media mashup: breaking news & reviews from pampanga, angeles city, central luzon, the kapampangan region, philippines & the world.
Versilog - new Kapampangan poetry.
Blogganisa - your kapampangan community blog slash guestbook slash bulletin board slash shoutbox slash forum slash post-it-note all rolled up into one meaty joint.
IndioTV - a kapampangan indie web tv.
Tiangge - shop kapampangan. support eK! by shopping from our amazon affiliate store.
Palengke - the kapampangan business and professional registry.
eKalendaryo - kapampangan events calendar.
eK! wiki - all about pampanga, philippines. profile and brief history of pampanga towns and cities: angeles city, clark, city of san fernando
eK! sponsors & partners - with passion and dedication, eK! sponsors, partners & friends support us and we encourage you to support them.