eK! is electronic Kabalen (eksite.com), a web-exclusive Kapampangan journal of ideas

abel d soto
abel soto HETO ANG sabi ng isang radikal kong kaibigan tungkol sa botanteng Pinoy: "Ang botanteng Pinoy, sa bote lang, iboboto ka na. Kapag wala kang bote, ibabato ka na."

Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung talaga bang ganoon na kamura ang botanteng Pinoy. Bote-bote na lang ba ang labanan? Anong klase kaya ng bote ang tinutukoy ng kaibigan kong ito? Pero naisip ko rin na ayos na rin 'yon, basta ba wala lang batuhan ng bote para lang ipagtanggol ang kandidatong binabato ng sandamakmak na batikos ng mga "ka-botehan" at kabatuhan niya ng mga sari-saring argumento at mga opinyon na bunga na marahil ng mga isip na nilunod na ng 'di na mabilang na bote na donasyon ng isang kandidatong hindi man lang kasali sa kanilang pinagtatalunan at 'di rin nila balak iboto sa darating na halalan.

Gano'n pa man, meron pa rin namang mga "botenteng" Pinoy ang nag-iisip sa pagpili ng kandidato. Kayo na lang ang humusga kung nag-iisip ba sila ng tama o ng taliwas sa dapat nilang isipin. Dahil ang mas mahalaga sa akin ay nag-iisip pa rin sila kahit paano at pinaaandar pa rin ang mga kukote. Kesa naman sa botanteng hindi na talaga nag-iisip pa sa pagboto ng kandidato, dahil wala ng gana sa pagboto, dahil hindi na balak bumoto dahil, katwiran niya, dadayain din naman eh.

Sa aking palagay, ito ang mga botanteng ayaw at tamad nang mag-isip. Ito ang ikatlong klase ng botanteng Pinoy: ang Tamd Ng Mag-Isip. Ang una, 'yung Tamang Mag-Isip. Ang pangalawa naman ay yung kabaligtaran ng nauuna: Tangang Mag-Isip. Ang malaking tanong nga lang ay kung ano at sino ang iniisip nila. Dito nagkakatalo ang botanteng Pinoy eh. At dito rin nagkakatalo at nagpapanalo ang mga pulitikong Pinoy: sa kung sino at ano ang iniisip ng mga botante nila habang "nagkaka-maBOTEhan" sila sa kani-kanilang mga usapan.

Bakit tamad nang mag-isip ang ibang mga botante? Bakit tamang mag-isip ang kakaunting botante? At, bakit tangang mag-isip ang napakaraming botante? Tamad nang mag-isip ang ibang botante kasi "iba" nga raw sila. Tamang mag-isip ang kakaunting botante dahil kakaunti na nga raw sila at kung hindi pa sila mag-iisip, paano na? At tangang mag-isip ang maraming botante kasi nga dahil sa sobrang dami nila, nahahawa na pati ang mga tama at tamad mag-isip. At kung bakit napakarami ng tangang mag-isip at kakaunti naman ang tamang mag-isip at may ibang tamad mag-isip ay repleksyon na rin ng isang lipunang pinagagalaw na lamang ng isip at nakalimutan ng dumama ng totoo at tama para sa totoo at tamang damdamin ng isang tunay at dalisay na nag-iisip at dumarama para na rin sa kapakanan ng mas nakararaming tangang mag-isip.

Sa tatlong klase ng botanteng Pinoy, pinakadelikado at pinaka-walang silbi ang tamad mag-isip. Bakit? Isipin mo kung bakit. Ngayon, kapag hindi mo inisip ang dahilan, isa lang ang ibig sabihin no'n: kabilang ka sa mga tamad mag-isip!

*

Let not only the mind speak.

The mind is so powerful that it can instantly kill a bright future that a righteous vote promises and can make the misery that a stupid vote produces even after hundreds of elections have been held.

We deserve the kind of leaders that we elect. There is no one to blame in a nation governed by incapacitated and immoral leaders except the electorate, who allows to be governed by such kind of leaders because they allow only their minds to speak.

*

Ang hindi ko talaga lubos na maunawaan sa karamihan ng mga botanteng Pinoy ay kung talaga bang may "amnesia" sila o kung talagang tanga at madali lang talaga silang utuin at lokohin. "Gullible" daw ang salita sa Ingles para sa mga ganitong klase ng botante. Ang ganda pa naman pakinggan sa Ingles. Wala nga lang kasing-pangit ang nagiging resulta ng pagiging "gullible" ng napakaraming botanteng Pinoy pagdating ng eleksyon at lalo pa pagkatapos ng eleksyon at nahalal na ang mga hindi dapat mahalal sa puwesto.

*

Agyu nang tacpan ning dacal a cualta ing dinat at deuacan. Agyu nang pabangluan ning pera at pibandian ing sasalingalngal a buluc. Agyu neng piblasan masanting a imalan at decurasiunan mangamal a alajas ing metung a catauan a magluping ating ubingan. Dapot ing metung nang e agyung gauan ning cualta at pibandian ia pin ing paclian na ing caburia' na ning Dios angga man qng capilan da burianan ding mabandi at atinan.

Migsalita ne ing Dios qng lalauigang Capampangan canitang sinambut ia ing caiang alagad bilang gobernador ning quecatamung lalauigan. Sana ing pangadi cu, ngening magsalita iang pasibaiu quecatamu ing Dios capamilata' na pa mu rin ning caiang alagad, at ding aliua pang mangaiap a puliticung tutung magnasang sumuyu, "E ta la sana sisias ding pusu tamu" qng caiang siualang masalang mipapasiag qng Caiang tune caburian. Ngana pin ning Banal a Casulatan, "If today you hear His voice, harden not your hearts." (Nung ngeni damdaman iu ing Queang siuala, e io sana cacabat ring quecong pusu.)

*

Bote-bote ba ang labanan?

Kung tama ang aking radikal na kaibigan sa kanyang pananaw tungkol sa botanteng Pinoy ng makabagong panahon, maaari ko naman siyang ayunan sa kanyang opinyon. 'Yon nga lang bote ng Mompo ang tinutukoy ko. Ewan ko kung anong bote ang balak niyang itapat sa bote at boto ko.


[About the author. Abel D. Soto took up his certificatory double major course in Creative Writing and Performing Arts at Centre for Arts Foundation, Inc. in Quezon City. He also finished the Managing the Arts Program at the Asian Institute of Management in Makati City. He is a resident of Bacolor, Pampanga.]

-Posted: 5:53 PM 5/5/10 | More of this author on eK!
Nextnext