eK! is electronic Kabalen, a web-exclusive Kapampangan journal of ideas

christine c. salas
christine c salas IN HER BOOK "Eat Pray Love", the author Liz Gilbert shared her favorite word—"attraversiamo", an Italian word for an English phrase, "let's cross over". At dahil sa inggit ko na magkaroon din ng 'isang salita', naisip ko na magkaroon din ng sarili kong favorite word in case may magtanong over an inuman session or a job interview at Starbucks. At least prepared ako, at maiisip ng kausap kong ang smart ko—sagot agad e.

And so began the search for my perfect mystery word. Wala akong ginawa sa araw-araw na binabaybay ko ang NLEX kundi mag-isip. Ito ba'y noun, adverb, verb, adjective? Maliit, mahaba, may hyphen o silent letter o diacritical marks para parang French? English? Tagalog? Pang-bading? Daming hassle. Pag noun, pang-tao lang, e what if 'feeling' ang gusto ko? Pag verb, masyadong hyper, bawal ang tamad. Pag adverb, parang AD-HD—describe mo ba naman ang verb na action word na.

So, nauwi ako sa adjectives. Parang ang ganda! So, lumiit na ang choices ko. At dahil naniniwala ako sa saying na mas nakikita ng ibang tao ang muta ko, humingi na ko ng suporta sa isang kaibigan. Syempre, I chose that special friend based on the premises na magaling siya dapat sa words. Tinext ko si Jason Mraz. Deds. Late ko na narealize na friend ko lang pala siya sa Facebook, so hindi niya talaga kilala ang pagkatao ko. So, nireview ko ulit mga testimonial ko sa Friendster (kasi mas kilala ko mga tao dun) at inisa-isa yung mga kilala ko at kilala ako. Para mas fine ang filtering, nagdagdag ako ng category: yung buhay pa at kung maari, yung hindi nag-la-like sa sarili niyang status at comment. May natirang 20 out of 52. Mi-nessage ko sila. May sumagot na tatlo at pare-pareho ang sagot nila, parang nagkopyahan pa.

"Ang wirdo mo, Kitin." Bingo! At black-out pa ang labanan!

Nagpasalamat ako sa reply nila at sa isang salitang matagal ko nang hinahanap. Wirdo, hindi bingo no!

***

Nasa denial stage pa ko sa piling ng bago kong salita. Di ko pa masyadong tanggap. Pero, may lukso ng dugo kasi nung narinig ko. Parang ako nga yun. Buti na lang, may na-attenan akong seminar last month lang. Ang galing ng speaker, pero di ko ma-search ang profile niya sa internet e. Try mo—April Timbol Yap, mga libro niya ang lalabas sa Google. Sinubukan ko na din ang ibang search engine, pare-pareho lang lumabas—pati yung I Feel Lucky na button sa Google, ginalaw ko.

Sa lecture ni April Timbol Yap tungkol sa creativity, ipinaramdam niyang okay lang ang salitang wirdo pag ginamit na adjective patungkol sa iyo. Pero ingat lang. Minsan kasi may mga wirdo na mag-sasa. Hindi ko pa alam kung paano malalaman yung mag-sasa sa totoong wirdo, so kutob at instincts na lang ang labanan.

Sabi niya (at feeling ko totoo naman kasi ang galing-galing niya), ang mga wirdo ay kadalasang creative thinkers. Pampalubag-loob no? Ang ganda-ganda talaga ng description nyang yun. First time kong natuwa sa salitang wirdo.


SAMPUNG KUTOS NG KAWIRDUHAN:

Ang creativity ay pwedeng gift (you were born with it) o skill (course sa TESDA na pwedeng aralin). Maswerte yung mga ipinaglihi sa creativity, mas lamang sila. Kung naisip mo tong mga babanggitin ko, halika dito, ililibre kita ng kape sa may AUF.

1. Yung konsepto ng 'thinking out of the box'? Half-truth yown! Paano mo nga malalaman san ang out of the box, kung di ka galing inside the box? Nasan ang simula't dulo ng box mo? Anong kulay ng box mo? Iyo ba yung box o sinangla lang sayo? Hangga't di mo alam ang limitasyon mo, hindi mo alam kung ano ang dapat mong lampasan. Ma-status nga sa Facebook yan.

2. Wag mong patutulugin ang utak mo. Una, nakaka-adik yun, baka madali kang malulong. Maging pusher! Push for ideas. Think. Hard. Harder. At pangalawa, ang dali-daling gawin. Tanungin lagi ang sarili. Pag mahirap, magtanong sa iba. Sa exams nga, dami mong choices na pwedeng pag-kopyahan eh, sa buhay pa kaya?

3. They come in pairs. Pero pwede mo namang suutin nang hindi paris, 'di ba? Medyas, puti sa kanan, polka dots sa kaliwa. Moral lesson: Mayaman ako, dalawang paris ng medyas meron ang pamilya ko. Basta hindi ka nakakasakit ng kapwa, nang-aargabyado ng animal rights at nakaka-antala sa palabas ng mga telenobela, okay lang to defy the conventions. Kaya kasi tinawag na conventions, kasi 'nakasanayan' na lang itong gawin, and not necessarily na yun lang ang 'way'. Pero pag ikaw naman, nag-sando sa kasal mo, isasali kita sa sarili mong last will and testament.

4. Simulan mo sa kusina. Magluluto ka ng sinigang? Nawalan ka ng sinigang mix? Dahil wirdo ka, naisip mong bumili ng sampaloc para i-substitute sa sinigang mix. Sapok, gusto mo? Experiment lang sa kusina. Kung ang lasa ng pagkain nadidiskartehan mo, paano pa kaya yung ibang bagay gaya ng pag-byahe, panliligaw, pag-apply ng trabaho o pagpapalit ng password. Sabi nga ng isang manunulat, the best way to a man's heart is through his stomach. May physical nourishment ka na, may man’s heart ka pa. San ka pa?

5. Magtaka. Magduda. Tapos humanap ng explanation, kahit ano para masagot ang mga taka't duda mo. Nagtaka ka na ba bakit ang dami-daming kanta, pero halos hindi magkakapareho ng tono? Paano nila ginagawa ang isang melody? E bakit pag minsan may kantang magka-tono? Bakit pag sinabing mukhang lalake ang babae, nakaka-pangit? E bakit ang lalake, pag mukhang babae, matic, profile picture na yon? Parehong prinsipyo sa paa at kamay, kung ipinagwa-wangis.

6. Maging komportable sa sarili mong hulma. Ikaw yan eh. Sige, ginusto mong maging ganyan, e di tanggapin mo. Humanap ng mga taong tatanggap sa yo. Pero, tip lang, malalaman din nilang nagpapanggap ka kaya magandang sa umpisa pa lang, mag-pakatotoo ka na. Nilalagyan ko ng kanin yung instant noodles mula pa nung bata ako. Di kasi masarap pag walang kanin, parang kulang yung busog ko. May nakakita, nandiri. Tinago ko. Tinandaan ko yung taong yun. Kaya nung nakita ko siyang kumakain ng ketchup sa sampelot (true to life 'to!), lahat ng silent letters sa salitang "YUCK" binigkas ko properly. Ginutom siya dahil dun at bumakat ang skeletal system niya sa balat. Summary, ilabas mo kung ano ka. Lahat naman tayo may sari-sariling kawirduhan.

7. Huwag masyadong nagpapaniwala sa mga kasabihan. Case to case basis yan eh. Example, yung Filipino saying na 'kung kaya nila, kaya mo rin'? Iba ang take ng kaibigan ko dyan eh. Di naman pare-pareho kapasidad ng tao. Kung kaya nila, subukan mo kung kaya mo. Kung hindi, pagawa mo sa kanila. Ang importante, sinubukan mo. Ang alternative, pass the ball if you cannot dribble.

8. Mag-basa, as in read (not wet). Sabi ng amo ko sa isang tanyag na kumpanya, tanungin mo kung anu-ano ang mga binabasa ng mga idol mo. Kasi, most likely, yun ang pinanggalingan ng talino nila. Pag nagka-interes ka sa isang bagay, read about it (English na lang no, pangit na yatang inuulit-ulit yung word na basa eh). Yung mga di mo nakukuhang experience sa totoong buhay, makukuha mo sa pag-ri-read. Yung mga magagaling na writers, mahilig silang magbasa. Yung mga magaling mag-salita sa public, nag-bukas ng libro o magazine yan bago nila nag-bukas ng bibig. Ako nga, di nakaka-jebs pag di nagbabasa, kahit yung mga sulat sa likod ng shampoo di ko pinalampas. Kaya motto ko sa buhay, lather gently.

9. Sabi ni Lourd de Veyra, umarte ayon sa kagandahan. Pag di masyadong maganda, wag masyadong maarte. Wala lang.

10. Mag-deodorant kung kailangan lang. Keep it simple.


[About the author. Christine "Kitin" C. Salas works for Tollways Management Corporation as a secretary]

-Posted: 8:30 AM 6/15/12 | More of this author on eK!
Nextnext