eK! is electronic Kabalen, a web-exclusive Kapampangan journal of ideas

wilfrido david
wilfrido david PINAKAMAMAHAL KONG RONNIE,

Salamat na lang sa modern technology, mahal, at puwede tayong magpalitan ng email habang hindi pa tayo nagkikita. Salamat din kay San Pedro at binigyan ka ng special privileges para makapag-Internet tayo.

Sorry, alam kong ang suot niyo riyan ay parang uniform. Talagang ganyan at huwag ka ng magreklamo. Di ba lahat ng nakauniforme ay parang preso—sunudsunurin, gaya ng mga government employees, mga preso sa Muntinglupa. Mga bata sa eskuwelahan, mga empleyado sa ospital, mga sundalo, mga security, mga pasyente sa mental institution, etc. Pero, kayo diyan may pakpak—kahit di ninyo ginagamit sa paglipad. Wala ring silbe, kundi lang simbulo ng inyong kabutihan noong kayo ay nasa lupa pa. Bakit nga pala wala kang nabanggit tungkol sa pakpak—obsolete na ba ito? Tutoo bang may "halo" ang mga kaluluwa riyan, o palakasan din para mabigyan ka nito? Nakapagtataka, paanong napadpad si President Marcos diyan? Huwag mong sabihin na hanggang diyan umaabot ang impluwensiya ni Imelda. Sobrang bad na iyan!

Anyway, huwag kang masyadong malungkot diyan. Huwag mong hanapin ang dating lifestyle mo noong nandito ka pa. Alam ko lonely ka dahil karamihan sa mga kaibigan at barkada mo ay nasa impyerno o purgatoryo. Ikaw, dahil sa napakabait mo, lalung-lalo na sa akin, ay pinagbigyan ka ni San Pedro, of course with the approval of our good Lord. Mabuti na lang at patay ka na, Ronnie. At bakit ko sinabi ito? Sapagkat kundi ka namatay sa atake sa puso, marami ka na ring beses na namatay: kundi sa mga kamay ng mga Ampatuan, marahil sa matinding kunsimisyon tungkol sa mga nangyayari dito ngayon.

Ang kumpare mong si Erap ay malaya na, salamat kay Gloria. Matutuwa ka at naisahan niya si Madam—nangako siya na kapag napardon na siya, hindi na siya tatakbo ulit para sa public office in any capacity, lalo na sa pagka-presidente. Paglabas niya, nag-issue siya ng public statement na ninakaw ni GMA ang presidency niya sa pamamagitan ng EDSA II. At anong nangyari? Tumakbo siya muli laban kay Noynoy Aquino. At pumangalawa pa siya! Pero talo pa rin, at ngayon balik-ugali at balik-bisyo siya. Gumawa pa nga siya ng pelikula na katambal si Mommy Dionisia, na ina ni Manny Pacquiao, ang ating tinuturing na "Pampansang Kamao." (Alam ko dapat sa iyo rin ang title na iyon, pero ganyan talaga ang buhay... oops, patay pala.) Sa kamalasan, bumomba ang pelikula sa takilya, sapagkat hindi na siya ang dating action hero, kundi naging mistulang inaction hero dahil sa kanyang knee replacement. Kung makita mo lang siya ngayon, halos hindi mo na makilala kundi sa kanyang trademark na bigote, thick black hair, lumuluwa at lumuluhang mga mata, bulol na parang lasing, at kung maglakad parang kabababa lang sa kabayo. Wala na akong balita tungkol sa mga kanyang naging asawa, kundi sa mga ibang supling na sumisikat na rin sa ating mga telenobela. Yung kumpare mo talaga, oo, incorrigible! (Pasensiya ka na, hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito sa ating wika.)

Matutuwa kang malaman mo na ang ating adopted daughter na si Mary Grace ay isa nang chairman ng MTRBC (huwag mo ng itanong kung ano ito) at mahusay siyang mag-Inglis, hindi mana sa atin. Yung mga ibang anak mo sa labas ay sumisikat na rin sa kanilang napiling hanapbuhay—si Lovey Poe napapanood na rin sa mga TV telenobelas.

Ang kaibigang mong si GMA ay nasa ospital ngayon, na-opera sa kanyang leeg na karugtong daw sa spine. Hindi ko alam kung anong tawag sa sakit na iyon pero, basically, stiff neck lang at binigyan ng exotic name ng mga doctors niya para hindi maintidihan ng kongreso. Marahil nakuha niya ito sa hindi niya paglingon sa kanyang pinanggalingan kundi sa kanya lamang pararatnan. (Sabi ng mga Bisayang congressmen, tawag daw dito ay "stef-nik" na walang gamot kundi putulin na lang ang ulo.) Sabi ng doktora niya, nagpapagaling pa siya, at kailangan puro positive at beautiful ang nakikita niya. Ang ibig ba niyang sabihin, bawal magbisita ang pangit? Sobrang saya!

Ang asawa niyang si FG Miguel Arroyo naman ay kararating lang galing sa Hongkong para kumonsulta sa kanyang cardiologist. Hindi ba maliwanag na insulto ito sa nga doctors natin sa Pilipinas? Ganyan ba ang paniniwala niya sa Chinese herbal medicine? May pagkabastos din naman si FG, alam niyang naka-schedule siyang mag-appear sa congressional inquiry at hindi siya sumipot. Ganoon pa man, nag-testify na rin ang mga sangkot sa pagbebenta niya ng helicopters, na puro AFP officers na naka-full uniform pa man din (parang court martial) nang sila naman ang iniimbestiga. Baligtad! Tuloy pa rin ang imbestigasyon kay FG 'in absencia'! Biru mo siya pa ang may ganang mag-counter charge. Of course, SOP ng mga abogado ng mga nasasakdal. Pero kung ako si FG, magpapatiwakal na lang ako para wala ng problema sa high blood. Alam mo, duda ako na may "pagka" si FG. Ang laki-laking tao, pero pag nagsalita parang ipit ang boses, parang si Matutina! Ewan ko lang....

Ronnie, mabuti ka pa riyan tahimik. Walang intriga, walang tsismis, walang binabayaran na bills, walang kontrobersiya, walang imbestigasyon, (paano, nakalusot na, ano?), walang maysakit, walang pangit, walang maganda, walang matangkad, walang pandak (with apologies to GMA), walang selosan, walang awayan. Pantay-pantay ang tinginan sa isa't isa, kaya nga lang walang pagkain at walang sex! Iyan ang problema! Matindi!

Hanggang sa muli, mahal. Mamayang hapon panonoorin ko ulit ang mga luma mong pelikula pagkatapos ng Eat Bulaga. (Oo, buhay pa ang mga kaibigan mong sina Tito, Vic, and Joey, bagamat nagiging corny na sila. Si Tito, alam mo naman, ay isa na siyang senador at mahigpit na suppoter ni GMA; si Vic, babaero pa rin kagaya ni Erap; at si Joey, ubod pa rin ng yabang! Marahil kundi sa mga kuwartang ipinamumudmod sa audience, lipas na rin!) Panoorin mo sa GMA 7, at siguradong kikiligin ka sa mga sexy dancers nila. Ingat lang, baka nasa likod mo si San Pedro.

Ginagarantiya ko sa iyo na hindi ako papatol kahit sa kaninong may kaugnayan sa mga Arroyo—maliban lang kung Aroyo with a single R.

(Sgd) Susan


[About the author. Wilfrido David is a resident of Albuquerque, New Mexico since 1985. He is an avid news consumer, habitually tuned to global TV via satellite. In turn, he occasionally comes up with spiced up essays and anecdotes liberally sprinkled with his wry humor, at times irreverent, oftentimes as corny as corn-on-the-cob, but nontheless thought provoking. He thinks of himself as a "junior senior," a mature gentleman with very active brain cells but a waning testosterone count. He is an American citizen by necessity, not by choice, as he so aptly put it. He is as Kapampangan as sisig, no more, no less.]

-Posted: 8:18 AM 8/22/11 | More of this author on eK!
backBack|top|Nextnext