eK! is electronic Kabalen, a web-exclusive Kapampangan journal of ideas

marcial tayag caniones
marcial tayag caniones KUYA,

Ligtas kami lahat dito, wala kang dapat ipag-alala.

May mga gasgas lang si Itay sa kanyang kaliwang hita, at gasgas sa mukha---hinabol niya kasi si Oti nang muntik siyang matangay sa malakas na agos ng tubig habang kami ay daglian niyang tinawid sa ilog papuntang mataas na lugar.

Sa pagmamadali, buti nadala ko at hawak ko ang plaslayt at nailawan ko ang sanga ng kakawati at doon nakahawak si Itay habang hawak din niya si Oti.

Si 'Nay at Ate Ludy naman ay hawak ang tali na nakatali sa aking baywang upang hindi rin sila matangay ng ilog. Si 'Nay nga lang ay hiningal at sumumpong ang kanyang hika.

Okey lang kami, Kuya. Pansamantala ay dito muna kami sa mataas na parte ng ating baryo, dito sa pastulan ng kambing ni Manong Allan.

Buti ang mga kambing daglian silang nakatawid bago tumaas ang ilog kahit wala ang kanilang pastol. Sinira nilang kusa ang buho nilang kulungan at nakatawid kaagad ng ilog bago rumagasa ang tubig.

Kung sakali man walang umabot na relief at maubos ang nadala ni Ateng na mga lata ng sardinas, marami pa naman ang kamoteng kahoy na hindi naani dito sa taas. Marami din gabi at mga prutas na nahulog gaya ng bayabas na ibuburo ni Inay sa dala naming asin.

Wala rin kaming problema sa tubig sa ngayon dahil nagbagsakan mismo ang mga puno at bunga ng mga niyog. Siguro kahit isang buwan hindi kami mauuhaw sa dami ng buko. Sabagay wala rin naman kaming isasaing dahil hindi na namin naisip pa na kumuha ng bigas sa pagmamadali.

Kuya, huwag kang magalala. Si 'Tay at ako ay nakagawa agad ng aming pagsilungan gamit ang mga natumbang puno at sangang dahon ng niyog at mga naputol na mga kawayan. Matibay ang aming nagawang barong-barong ni Itay.

Yung mga natangay nating kaunting gamit, okey lang 'yun, Kuya. Mapapalitan naman iyon, di ba? Ang mahalaga ligtas kaming lahat, hindi gaya ng ibang mga kapitbahay natin na marami sa kaanak nila ang hanggang ngayon ay hinahanap pa, at dasal naming lahat dito ay sana ay mahanap sila at ligtas pa.

Kuya, paubos na ang battery nitong padala mong laptop at 'yung broadband ay pahintu-hinto ang signal. Send ko na muna sa iyo ito.

Okey lang kami. Huwag kang mag-alala, pinasasabi nina 'Tay at 'Nay.

Ayos na sa amin ang mag-Noche Buena ng balanghoy, ginataang gabi at minatamis na niyog.

Bye na, kuya.

Nagmamahal,

Larry

*

We, as people have always been resilient, resourceful and creative even in the midst of repeated disasters.

In the barrios, very few may have died not really because of hunger but because of panic, ignorance and fear. People will make do. Just like Manny, we shall raise again. Oftentimes even smiling, even while in pain.

I am dedicating this piece to the brave, suffering, and surviving. On the spur of momentary remembrance of bloops, people devastated can even laugh, triggered by pain and happiness at the same time.

We as a Nation are an irony, which is why we can never be put down!

We can cry and laugh at the same time…

We may become temporarily insane as individuals during trials, but collectively we are ever resolute in spirit.

*

Host: "Kumusta ka, ate?"

Contestant: "Malungkot po. Kamamatay lang po noong isang Linggo ng nanay ko dahil sa TB. Wala po kaming pambili ng gamot at pambayad sa oxygen."

Host: "Kawawa ka naman. Eto ang P5,000, huwag ka nang umiyak. Ganyan talaga ang buhay, lahat naman tayo ay mamamatay."

Host: "Anong gagawin mo?" Contestant: "Sasayaw po..." O, bigyan ng JACKET, ang lahat ng nagbabasa nito!


[About the author. Marcial Tayag Caniones, a Political Science graduate is assistant manager at the Community Extension Services Office of Clark Development Corporation. He was born on the 10th of July in 1965, became vegetarian when he was 24 years old, started serious reading when he was 32, and began writing at 39. He admits to being ugly but claims to ooze with sex appeal.]

-Posted: 7:13 AM 12/14/12 | More of this author on eK!
Nextnext