eK! is electronic Kabalen, a web-exclusive Kapampangan journal of ideas

marcial tayag caniones
marcial tayag caniones Ang Pag-Ibig parang Coffee 3 in 1:

SA UNANG timpla:

Ang kape pampatibok ng puso, pampadaloy ng dugo, at pampagising ng damdamin

Ang kreamer pampalinamnam sa lasa, pampalabnaw ng tapang at pampahinahon ng dating

Ang asukal pampatamis ng labi, pampatikom ng bibig at pampahagod ng makating lalamunan

Kinalaunan:

Ang kape pampaatake sa puso

Ang kreamer pampasira ng tiyan

Ang asukal pampadiabetes

"Hoy!... Berting!...Imbes na magkape-kape ka dyan, linisin mo ang bakuran para ma-exercise ang puso mo at mawala ang diabetes mo... Lumaki ng lumaki ng tiyan mo sa tamad mo!


Ang Pag-ibig parang Ajax All-In-One:

SA UNANG laba:

Ang sabon pampadulas sa kamay, pampabango ng simoy, at pampalinis ng laba

Ang bula pampakiliti sa balat, pampatanggal ng dumi, at pampalambot sa hagod

Ang bleach pampaputi ng damit, pantanggal ng mantsa, at pampalinaw kahit hindi e-kula

Kinalaunan:

"Hoy!... Rusting!... Ibabato ko ang buong bareta ng sabon kung hindi ka pa tapos dyan maglaba! Tapos magsaing ka na!!!"

Kaya ang pagibig:

All in one na, 3 in 1 pa

"Aba, Pedring! Tignan mo na nga ito kung makaasta... ang talim mu pang makatingin! Oo... sasagot ka pa?"

O 'di ba? 3 in 1!... 'di ka na makagalaw, dapat nakayuko ka pa, tapos 'di ka pa makapagsalita!!!

Api Balentime to every all!!!


[About the author. Marcial Tayag Caniones, a Political Science graduate is assistant manager at the Community Extension Services Office of Clark Development Corporation. He was born on the 10th of July in 1965, became vegetarian when he was 24 years old, started serious reading when he was 32, and began writing at 39. He admits to being ugly but claims to ooze with sex appeal.]

-Posted: 8:00 PM 2/14/12 | More of this author on eK!
Nextnext