eK! is electronic Kabalen, a web-exclusive Kapampangan journal of ideas

marcial tayag caniones
marcial tayag caniones FA-Q

Ano ito?

Ito ay ang pagtuligsa sa dalawang maingay na panig na nag-uumpugang Anti- at Pro-RH Bill, sa pangunguna ng dalawang dambuhalang makalumang institusyon—ang simbahang Katoliko at ng lehislaturang Kongreso.

Sino kayo?

Kami ang ikatlung panig! O Gitnang panig sa isyung RH bill. Pwedi rin kami tawaging pa-Gilid-Gilid na panig, na naghahain ng tahimik at alternatibong solusyon sa mga Anti- at Pro-RH bill.

Bakla kayo? Tomboy?

Ako hindi, ewan ko lang sa ibang mga kasama ko. Atsaka paki ko! Importante sa amin ay nagkakaisa kami sa layunin. Would it matter if we have members who are white, dark, or disabled? Hindi di ba!

'Bat ngayon lang kayo lumantad?

Busy eh! 'Tsaka, we see that our people are being deprived of other views other than Anti or Pro that are most substantial and essential. 'Tsaka, this week lang kami nagkita-kita. May mga artists, doctors, seminarians, restaurateurs, singers, photographers, at government employees. Yung isa sa amin 'tambay-lasengo.

Anong substantial at essential?

Yung pagkatao ng TAO mismo. Kasi ang tao o lipunan ay hindi lang dalawa ang kanyang panig. Marami tayung dimensions, strata, o, to be politically correct, spectrum. Hindi lang LIBOG ang nararamdaman ng Tao. Ang Tao ay nakakaramdam ng gutom, ng lungkot, ng pighati, ng galit, ng saya, ng sakit, at ng ginhawa.

Ngayon, ano nga ang substantial at essential?

Ang limang (5) basic needs, at ngayon six (6) na nga (sa sobrang stress):

1. Water

2. Food

3. Shelter

4. Clothing

5. Education

6. Recreation (hindi procreation, ha)

So, huwag na tayong magpaintelektual pa at magpa-Maslow-Maslow hierarchy of needs pa. Sa tingin 'nyo ba ay natutugunan ng Simbahan at ng Kongreso ang mga pangunahing pangangailangang ito? Eh, 'bat sila abala nang abala sa pakikialam sa pribadong buhay ng mga mag-asawa? Sa totoo lang, yung dalawang panig na nag-aaway ngayon, kasama ang iba sa kanilang nasa mataas nilang posisyon o namumuno at ilang miyembro, ay maraming naging isyu sa: pagmolestya, paghalay, sex scandal, pagbili ng laman, pambabastos, pamumwersang sekswal, at kung anu-ano pang mga makahayop na gawain. At ngayon may lakas silang loob na magsalita kung ano ang tama at mali para sa mga magkasintahan o mag-asawa?

Cge nga kayo ang humusga? PLASTIK nila!

Galit ka ba?

Hindi, ganito lang talaga akong magsulat... Inis lang cguro.

So, anong ibig sabihin ng Master Bill at Jack Bill?

Nahihiya ako, eh. Clue ha... Mariang Palad...? Mahiwagang Daliri...? Sariling Sikap...? Ikaskas Mo Sa Pader...? Makalyong Kamay...? Dikdikin Mo, Baby...? Scrambolin Mo...? (Tagalugin mo.) Happy Birthday...? PAGBATI yun, ha!

BASTOS!

See, that's the problem. Kapag ang bill na ipapasa is about the discovery of one's being, one's blissful consciousness, attainment of nirvana while in the physical state, one's physiological release, inner cosmic explosion... sa iba, bastos na! Pero kung si Hayden Kho at Katrina ang lantad o nilantad na pinakitang nagtatalik..., hayun pipila pa sa bangketa o magkakandarapa pa na magdadownload o magbubluetooth ng video nila!

Again, PLASTIK! Walang mabubuntis kung maipasa ang panukakang ito, wala rin magkakasakit, mababawasan ang paghalay, teenage pregnancy will be lessened, prostitution and human trafficking may be eradicated. Alam 'nyo, it's about time we all need to discover our inner selves. Sayang, ang buhay ay hindi kara o krus, ang buhay ay isang kalikot (spiral) na walang tigil ang pagtaas, walang tigil sa pag-abot nang sukdulan. Kapag ito ay pinigilan, kusa itong sasambulat.


[About the author. Marcial Tayag Caniones, a Political Science graduate is assistant manager at the Community Extension Services Office of Clark Development Corporation. He was born on the 10th of July in 1965, became vegetarian when he was 24 years old, started serious reading when he was 32, and began writing at 39. He admits to being ugly but claims to ooze with sex appeal.]

-Posted: 10:48 AM 5/24/11 | More of this author on eK!
Nextnext