eK! is electronic Kabalen, a web-exclusive Kapampangan journal of ideas

marcial tayag caniones
marcial tayag caniones









Nasaan ka?
Nung sinampal ng bato ang aking nguso
Dinudut ng bala ang aking mata
Hinambalos ng puwit ng baril ang aking tainga
Dinibdib
Sinikmura

Nasaan kayo?

Sabagay matagal ka ng nawala

Wari ko ikaw ay nagkubli
Sa takot
Sa nginig
Sa pagkawalang bahala

O nalasing at nahimbing
Sa dulot na ginhawa ng kapangyarihan

Ano ngayon ang karapatan mo
Upang magalit
Lumuha
Magmura

Wala na ring magagawa
Ang iyong awa
Ang iyong luha
Ang iyong mga panalangin
Puro panalangin!

Bakit 'di ka sumamang maghukay
Sa mga bangay...
Na masangsang at nabubulok na laman
Na malansa at nanuyo ang dugo

Kilabot?

Gago!

Ni hindi ko makuhang
Magtex
Mabilis ang kanilang pagkatali
Pinagsisipa habang nakaluhod

Naghalong nakaraan at hinaharap
Ang tumambad sa aking utak
Paiglap-iglap
Naghalo-halo
Nakakalito

Walang piring...

Pinutukan ang nasa kalwa
Sunod sa harapan
At kung saan-saan

Kitang-kita...

Ako ang sumunod

Walang sakit
Puro init

Mabilis...

Putok

                                                      Mga putang ina!

Putang 'na 'nyo...



[About the author. Marcial Tayag Caniones, a Political Science graduate is assistant manager at the Community Extension Services Office of Clark Development Corporation. He was born on the 10th of July in 1965, became vegetarian when he was 24 years old, started serious reading when he was 32, and began writing at 39. He admits to being ugly but claims to ooze with sex appeal.]

-Posted: 9:12 AM 12/16/09 | More of this author on eK!
WHAT THEY SAY...

Papa Osmubal (Philippines/Macau/China) writes...

Caniones's poetry reminds me of the days when I was an avid reader of the now-defunct Midweek. It reminds me of E San Juan Jr and poets like him. Caniones should let us read more of his poems. His poetry is not pretentious and its intentions are clear and urgent. Reading his poems makes me think that there is hope for our country, that there are some individuals in our country who are not asleep and who don't just pray and wait for the parousia. Caniones's poetry stirs the sensitive reader because it has anger, love, passion, mercy, rebellion-- things that you don't see everyday all in the same poem or poet.

-Posted/Via Email: 2009-12-18 08:00:51 PST



post Publish your comments...
Nextnext