eK! is electronic Kabalen, a web-exclusive Kapampangan journal of ideas

marcial tayag caniones
marcial tayag caniones Lulubog ang bahay
Lilitaw ang sardinas
Lulubog ang kalsada
Lilitaw ang bigas
Lulubog ang bayan
Lilitaw... si Mayor
Wang-wang ng wang-wang
Upang dagling makadaan
Sa mga nasa bubong
Tulo luhang kumakaway
Habang ang administrador
Walang tigil sa kakapayong
Mga tanod ay parang mga "boy scout"
Pito ng pito, animo'y mga baliw
Mga tao'y nagpalakpakan
Habang mga paa maga sa alipunga
Sa 1 kilong bigas
Sa 3 latang sardinas
Sa 3 plastic na noodles
Ang lamig ay di alitana
Upang sa pila ay mauna

Uulan, babaha
Babaha, lulubog
Lulubog, lulutang...
Mga bangkay na namumutla
Mga letratista kuha ng kuha
Mga reporter salita ng salita
Mga peryodista sulat ng sulat
Mga politiko kahit saan naglipana
Lumutang ang refrigerator
Lumutang din ang pusa
Lumutang Nokia…
At biglang sinisid ng maralita
Lumutang ang sapatos...
Kung pares sana sa isang iglap dampot na
Lumutang ang yero
Pinagpatungan ito ng bagahe ng matanda

Ihi, tae, plastic, bakal, langis...
Nagsamasama
Ahas, daga, at ipis...
Naglipana
Masama
Mabait
Nagkaisa
Hayop
Tao
Nagkasama
Puno
Bato
Naging sagana
Pulis
Bumbero
Preso
Mag-asawa
Nagkasundo Muslim
Kristyano
Bombay
Bhodista
Sumamba...

Pilipinas nga naman...
Mundo nga naman...
Kalawakan nga naman...
Hangang ngayon di ku pa maintindihan!


[About the author. Marcial Tayag Caniones, a Political Science graduate, is assistant manager at the Community Extension Services Office of Clark Development Corporation. He was born on the 10th of July, 42 years ago, became vegetarian 18 years ago, started serious reading 10 years ago, and began writing three years ago. He admits to being ugly but claims to ooze with sex appeal.]

-Posted: 2:48 PM 10/6/09 | More of this author on eK!
Nextnext